Monday, October 24, 2011

Pinagmulan ng Araw at Gabi

Noon daw unang panahon ay panay na liwanag at si Buwan.Walang dilim, sapagkat noon ay magkaisang-palad si Araw at si Buwan, Kaya noon ay walang gabi, panay na araw. Ang dalawa ay nagkaanak ng maraming marami. Ang kanilang mga anak ay mga tala at bituin at nagsilagay rin sa langit tulad ng kanilang mga magulang. kaya ang daigdig ay lalong nagliwanag.

Ngunit minsan, ang mga bituin sa kalikutan ay nakagalitan ng amang Araw. Si Buwan ay nagkarooan ng sama ng loob, hangang sa nagkagalit tuloy ang magasawa. Sa wakas, sapagkat hindi magkasundo, sila ay nagkahiwalay.

Ang mga Bituin at tala ay pinapamili kung kanino sasama. pinili nila ang kanilang ina, na hindi nagpaparusa.

Naghiwalay si Araw at si Buwan , at kasama ni Buwan ang mga tala at bituin. kapag araw ay sumisikat si Araw, ngunit kapag nakikita niyang papalapit si Buwan, siya'y umaalis at pinababayaang si Buwan ay siyang magbigay naman ng liwanag. kaya ngayon ay mayroon tayong araw na maliwanag at gabing madilim. Kapag ang gabi ay madilim na madilim, marahil ay abalang abala si Buwan sa pagaalaga sa kanyang mga tala at bituing maysakit

ads

Ditulis Oleh : jay S Hari: 11:59 AM Kategori:

0 comments:

Post a Comment

 

Blogroll

About